“Double Dead na Manok, Deboto ng Shabu at Sizzling Shower!” 3
Binebentang double-dead na manok, ilegal na droga at hubad na katawan iyan ang mga aasintahing mga problema ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan na si Mike Enriquez at ng Imbestigador ngayong Sabado ng gabi. BOCHICKS” Sa Minalin, Pampanga, ang mga sumalangit nang manok, muli pang pinakikinabangan sa lupa! Dahil ang mga tinatawag na bochicks” o botyang manok, ibinibenta pa ng ilang mapagsamantalang negosyante. Ayon sa National Meat Inspection Service o NMIS, peligroso sa kalusugan ang pagbili at pagkain ng double-dead na manok. Kayat ang ilang residente, hindi na napigilang pumutak para magreklamo. Ang mga awtoridad at Imbestigador, kumahig na para ihinto ang ganitong uri ng panloloko! DEBOTO NG SHABU? Madasalin at relihiyoso raw si Mark Gil Ramos, mas kilala sa tawag na Taboy” ng Caloocan City. Pero sa kabila ng kanyang pagiging deboto, may ibang dasal daw siyang binabanggit kasama ng tropa.Si Taboy”, kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar. Huling misteryo na ng pagtatago sa batas ni Taboy”, dahil ang Imbestigador at ang mga awtoridad, may panatang gagampanan para panagutin siya sa kanya umanong mga pagkakamali. SHOWER POWER Ibang gimik naman ang pinapauso ng Eduardos Bar sa Malolos, Bulacan. Para makaakit ng mga parokyano, mga babaeng hubot hubad at naliligo sa entablado ang gabi-gabi nilang palabas. Interactive din daw ito dahil may extra treat sila sa mga kustomer puwede raw nilang sabunin ang mga mananayaw!
Video Rating: 5 / 5